Count Your Blessings


all

Unang araw ng 2013, mabuti na lang at hindi nagunaw ang mundo katulad ng maraming haka-haka ng iba. May mga kaibigan akong naglista ng magagandang nangyari sa kanila noong 2012. Dahil sadya akong inggitera ay naisip kong gumawa din ng sarili kong listahan.

Yun nga lang, ang problema, nahirapan akong mag-isip. Naging mabait sa akin si 2012, ngunit hindi iyon naging ganoon kadali. Walang unforgettable moment akong maalala agad, tapos naisip ko sila isa-isa. Kung may alaala man akong hindi makakalimutan ay siguradong sila yun. Sila ang mga blessings ko noong 2012. Gusto ko sanang limitahan ang listahan ko sa 12 lang katulad ng mga kaibigan ko, (inggitera talaga ako) ngunit ang hirap bawasan ng aking listahan. Lahat sila ay sadyang importante.

Untitled 6  1. Ang una sa aking listahan ng mga blessings ay ang aking Inang. Kapag kinasal ako sya ang gusto kong maghatid sa akin sa altar. Siya ang pinakamagaling na guro para sa akin, dahil hindi lang mga bagay na pang-academics ang natutunan ko sa kanya.

Sa kanya ako natutong maging matatag at matapang. Kinekwento pa nga nya noon na kapag daw inaaway sya ng kaklase nyang malaki pa sa kanya, ang ginagawa nya ay tumutuntong sya sa silya para magkasing-laki na sila.

Naconvince ko na syang magparebond, next time tuturuan ko na din syang magSkype at Facebook.

2. Ang aking nakakababatang kapatid. Ang mukha sa likod ng walang katapusang tanong ng mga tao na “Sino sa kanila ang mas538427_3889310108745_2038033708_n maganda?”

Siya ang pinakamabait sa aming magkakapatid. Siya rin ang pinakamagaling humawak ng pera (kuripot).

Kumuha ako ng upahang bahay para sa aming dalawa, a week after naman ay nakalipad sya patungo sa ibang bansa.  Doon ay nagtuturo sya sa mga bata.

Dahil mag-isa lang ako sa apartment, ang kwartong sana ay para sa kanya ay ginawa ko ng walk-in closet/study room/bodega.

526840_435671456481251_2058683418_n3. Ang aking kapatid na lalaki. Kaparehas ko sya ng birthday kaya tuwing Disyembre ay lagi kaming nagtatanungan kung ano ang plano namen sa birthday namin.

Dahil dalawa kaming babae akala namin noong maliit kami ay magiging bading sya. Kapag tinanatong ako kung okay lang yun sa akin, ang sinasagot ko ay syempre oo, para libre na ang pagpapaparlor namin.

Siya ang katuwang ng Inang ko sa pag-aalaga sa maliit naming bukid.

Hindi sya naging bading.

4. Ang aming bunso. 148762_473978112652209_588424432_n

Kamukhang-kamukha ko daw sya noong ako ay bata pa.

Kambal nga daw kami, nauna lang akong lumabas ng 11 years.

Madalas syang OP kapag pinagkwekwentuhan namin ang mga laro at kulitan noong bata kami, wala pa kasi sya noon. Hindi na nya naranasang magsuot ng identical na damit namin sa tuwing pasko, bumili ng unan na hotdog sa Divisoria, at mamasyal sa Luneta.

8856_493370174047343_1669465979_n                                                                    5. Ang aking boyfriend.

Tatlong taon na din nya akong pinagtyatyagaan. Madalas ay wala siyang choice kung hindi magpretend        na makinig sa aking mga kahibangan.

Sya ay napakasupportive na kasintahan at kasama kong tumatawa tuwing mapapag-usapan ang aking mga kapalpakan.

Nakilala ko sya sa dati kong pinagtratrabahuhan. Pareho na naming iniwan ang kompanya na iyon pero hanggang sa ngayon ay hindi pa naman namin naiisipang iwan ang isa’t isa.

602838_3803273574243_29558468_nUntitled

                                                           6. Si Choco at Mischa.

 Dati ay takot ako sa aso, lalo na kapag kumakahol sila, ngunit nang makilala ko sila ay nainlove na ako sa mga hayop.

Sila ay aming mga walking stuff toy.

Nagpapatay-patayan sila kapag nakipaglaro ka sa kanila ng baril-barilan.

188623_10151307695039631_721117651_n 404451_10150548006563751_726983500_n


                                                             7. Batch 2004C-Virgin Islands.

Ang dalawang babaeng madalas dating maparusahan dahil sa mga korni kong joke at sa hindi ko mapigilang paghagikhik.

Ang mga kasama kong sumampay sa bakod ng Vinzon’s Hall at nagpraktis ng cheer kahit hatinggabi sa Track Oval. Ang dalawang babaeng nakasama ko sa pawis, dugo at latay.

315530_395314730540767_420594980_n 541085_506618576024790_1996778293_n

8. Ang mga kaibigang kahit taon ang bilangan bago kami magkita ay alam kong andiyan pa din.

Left- Ang kahati ko sa theme song na “Find Me”. Ang kasama kong napurga sa pancit canton at               luncheon meat. Si Gummy, si Tuesday at ang iba pang hamster na namatay na.

Yung time na Hany lang ang kaya  naming bilhin na “masarap na pagkain”.

Right- Ang kaibigan kong doktora. Yung pinagplanuhan nameng mangbomb threat ng isang school. Yung mag-aaya uminom pero dahil hindi ako umiinom ng alak magtyatyagang maglaro na lang ng Pinoy Henyo kahit tatlo lang kaming player.

66758_4213091803265_713672942_n                                                 9. Mr. Nice Guy. Ang aking childhood bestfriend/crush.

Ang kasama kong nagcocollect ng poster ng idol namin na boyband. Ang unang nakasama kong kumain sa Jollibee na iniwan ko naman. Ang kasama kong nanood ng VHS ng concert ng idol namen. Ang taga-kabilang section na may diagram ng puso nya at nagtampo sa diagram ng puso ko.

Pagkatapos ng 15 years ay hindi ko na sya bestfriend. Hindi ko na din sya crush. Sa ngayon ay kasama ko pa rin sya, pero this time kasamang nangangarap para sa kabataan at para sa bayan.

Isa syang kaibigan na malapit pa din sa aking puso, sa puso kong wala nang diagram.
form 5

10. Form 5.

Akala ko dati ay hindi na ulet kita mahahawakan.                                          

Mabait pa din sa akin ang Maykapal. Don’t worry this time iingatan na kita.

Pramis yan. Cross my heart, hope to die.

190059_519127601438752_1336602674_n432371_10151280580199736_481218899_n

11. Si Pepe at ang Kabataan.

Lahat yata tayo ay nag-ilusyong mag artista noong bata pa tayo. Hindi ko naisip na pwede pala yung magkatotoo nang maging bahagi ako ng isang maiksing pelikula.

Isang pelikula na ang buong crew ay kabataan. Isang pelikula para sa mga kabataan.

Nagpapasalamat ako at ako ay bahagi ng isang pamilya ng kabataang nagnanais gumawa ng positibong pagbabago para sa pamayanan. Mga kabataang matatatayog ang pangarap at hindi agad-agad bibigay.

Para sa Bayan.

384135_10151165243159736_1819320069_n

12. Ang aking naggagandahang mga Sis.

Lunod ang salitang Sorority sa pagstereotype ng lipunan.

Pero ang pagstereotype na yun ang lalong nagpapatatag sa amin at sa aming samahan.

Leadership. Friendship. Service.

485670_462581180424312_597874805_n

                                                                              13. Team Amarie.

Ang aking mga dating ahente na kahit hindi ko na katrabaho ay nanatiling pamilya at kaibigan.

Team Meeting. CSAT. AHT. Updates. Puerto Galera. Marikaban. Muffins. Pusit. Lechon manok.

Sinigang.

73860_490436597643607_1527137139_n

14. Fundraisers’ Network for Development.

Mahirap iwanan ang kabuhayan na pitong taon mo kinasanayan. Ito ay itinuturing kong  isa sa mga  pinakamalaking adventure ko noong 2012.

Ito ang trabaho na mas masaya kaysa nakakapagod.

Dito ay mahalaga ang pakikipagkapwa-tao, minimal supervision at paggawa ng button pin.

FB_IMG_1356348855717731915. Ang mga kamag-anak ng aking boyfriend.

Pangatlong taon na ako nakiki-Christmas Party, nakikibirthday, nakiki-attend ng kasal, at nakikisama sa swimming sa kanila. Tatlong taon na akong nakikikain ng handa, nakikilaro sa games, at nabibigyan ng regalo.

Kapag nagbreak kami ng boyfriend ko, sana pwede pa din akong maki-Christmas party sa kanila. =)

images

16. Love moves in mysterious ways.

Para sa muling pagtibok ng kanyang puso.

Para sa isang bagong pag-ibig ng isang taong napakahalaga para sa akin.

Para sa kanyang ikaliligaya at katahimikan ng isipan.

download

17. Ang aking mga crush.

Masayang magkacrush kasi nakakakilig. Ibinabalik nito ang feeling na para kang nasa highschool.  Pwedeng artista pwede din naman hindi. Pwedeng rapper pwede ding singer.

Kaya sa mga naging crush ko thank you at pinakilig ninyo ako.

Yan ang aking listahan ng mga biyayang natamo noong 2012. Sana sa pagtatapos ng 2013 ay huwag silang mabawasan, kung hindi ay lalo pang madagdagan.

Cheers! =)

One thought on “Count Your Blessings

  1. haha salamat naman at bahagi pala ko ng iyong mga blessings. at salamat din sa mga pagbubuking sa ating mga kahibangan noon ms. nice girl! haha. good memories! ;) kampay para sa 2013!

Komento para kay Titser

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s